Friday, May 9, 2025

Higit Php754K halaga ng shabu, nasamsam sa Cavite; 4 suspek, timbog sa sunod-sunod na operasyon

Apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang naaresto sa magkakahiwalay na anti-drug operations ng mga awtoridad sa lalawigan ng Cavite noong Miyerkules at Huwebes, kung saan tinatayang nasa Php754,000 ang halaga ng nasamsam na shabu.

Batay sa ulat ng PRO CALABARZON, unang naaresto ang suspek na si “Raniel,” isang itinuturing na High Value Individual, dakong alas-6:30 ng gabi noong Miyerkules sa Barangay Malagasang 2G, Imus City. Nahuli siya matapos bentahan ng Php500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer. Nakuha sa kanya ang limang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 80 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php544,000. Nakumpiska rin ang kanyang cellphone na ngayon ay isinasailalim sa digital forensic examination upang malaman kung may ebidensya ng transaksyon sa droga.

Kasunod nito, isa na namang High Value Target na si “Arturo” ang naaresto sa Barangay San Francisco, General Trias City, dakong alas-12:15 ng madaling-araw ng Huwebes. Nasamsam mula sa kanya ang tatlong sachet ng shabu na may kabuuang timbang na 20.97 gramo at nagkakahalaga ng Php142,596, pati na ang isang motorsiklong hinihinalang ginagamit sa kanyang illegal na aktibidad.

Ilang minuto lang ang nakalipas, alas-12:30 ng madaling-araw sa Bacoor City, naaresto naman ang dalawang street level suspects na sina “Ramil” at “Christian” sa Barangay Molino 1 matapos din magsagawa ng buy-bust operation. Narekober mula sa kanila ang tinatayang 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php68,000.

Sa kabuuan, umabot sa Php754,596 ang halaga ng shabu na nasamsam sa tatlong magkakahiwalay na operasyon. Kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang pinanggagalingan ng mga ipinagbabawal na gamot. Ayon sa mga otoridad, bahagi ito ng pinaigting na kampanya ng PNP laban sa ilegal na droga upang panatilihing ligtas ang mga komunidad sa rehiyon.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,560SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles