Sunday, July 7, 2024

Higit Php720K halaga ng shabu, nasabat sa PNP buy-bust

Cebu – Arestado ang High Value Individual na suspek sa buy-bust operation ng Police Station 3 ng Mandaue City Police Office sa Sitio San Lorenzo, Barangay Jagobiao, Mandaue City, Cebu, nito lamang Lunes, Marso 20, 2023.

Kinilala ni Police Colonel Jefrey Caballes, City Director ng MCPO, ang naaresto na si “Mawro”, 35, residente ng Sawsawan, Barangay San Roque, Inayawan, Cebu City.

Ayon kay Police Colonel Caballes, dakong alas-10:50 ng gabi nang madakip ang suspek sa operasyon ng mga awtoridad na pinangunahan ni Police Captain Emmanuel Rabaya.

Nasamsam mula sa suspek ang nasa 26 na sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 106 gramo na nagkakahalaga ng Php720,800, sling bag na ginamit bilang lagayan ng mga droga, isang yunit na Android cellphone, mga drug paraphernalia, at buy-bust money.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11, Art. II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Siniguro naman ng buong kapulisan ng Mandaue City ang patuloy na pagpapaigting ng kanilang mga hakbangin upang masiguro ang kaayusan at kapayapaan ng lungsod.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,180SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles