Antipolo City (February 8, 2022) – Nagsagawa ng magkahiwalay na operasyon ang mga operatiba ng Rizal Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit sa Antipolo City noong Pebrero 7 at 8, 2022.
Ang operasyon ay pinamunuan ni Police Lieutenant Daniel Solano at nagresulta sa pagkakakumpiska ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng Php610,400.
Arestado ang dalawang (2) suspek sa isinagawang operasyon bandang 10:45 ng gabi noong Pebrero 7, 2022 sa Sumulong Highway, Brgy. Mayamot, Antipolo City na kung saan nakumpiska ang tatlong (3) pirasong silyadong transparent plastik sachets ng hinihinalang shabu na humigit kumulang 53 gramo at nagkakahalaga ng Php360,400.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Dennis Longganaya y Aguilon, 23 anyos, residente ng Antipolo City at Janz Abalos y Gonzales, 24 anyos, residente ng Angono, Rizal.
Samantala, nakumpiska naman ang 16 na plastik na naglalaman ng tinatayang 2 1/2 kilong tuyong marijuana na nagkakahalaga ng Php250,000 sa Dimson Street, Purok-2, Zone 8 Barangay Cupang, Antipolo City bandang 3:30 ng umaga ng Pebrero 8, 2022.
Kinilala din ang mga suspek na sina Reynante Romero y Cruz, 26 anyos, tubong Caloocan City at Niño Felipe Manzano, 21 anyos, tubong Marikina at kapwa nakatira sa Antipolo City.
Ang mga nakuhang ebidensya ay naiturn-over sa Forensic Unit para sa laboratory test.
Inihanda na rin ang pagsampa ng kaso laban sa mga suspek.
“The illegal drug problem in the country is wreaking havoc on the lives of many Filipino families and destroying the future of the Filipino youth. The stringent campaign against illegal drugs targeting users, peddlers, producers, and suppliers, will soon put an end to the drug menace in the Province of Rizal” – ani Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director, Rizal Provincial Police Office.
####
Panulat ni PEMS Joe Peter V Cabugon, RPCADU-4A
Husay at galing ng PNP salamat