Sta Cruz, Laguna (February 25, 2022) – Naaresto ang isang (1) suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Bagumbayan, Sta. Cruz, Laguna noong Pebrero 25, 2022.
Ang operasyon ay isinagawa sa pinagsanib pwersa ng Sta. Cruz Municipal Police Station (MPS) sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Paterno Domondon, Jr. at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng Laguna.
Kinilala ang suspek na si Edgardo Alcantara Ortiz alyas Aji, 45 anyos, may asawa, negosyante at residente ng Brgy. Bubukal, Sta. Cruz, Laguna.
Nakumpiska sa suspek ang isang (1) coin purse na naglalaman ng anim (6) na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang Php54,500 at isang (1) pirasong Php500 bilang marked money.
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng nasabing himpilan ang suspek habang ang mga ebidensya ay nasa Laguna Provincial Forensic Unit para sa laboratory examination.
Samantala, sinabi ni Police Colonel Rogarth Campo, Provincial Director ng Laguna Provincial Police Office (PPO) na ang mga kapulisan ay patuloy na gagampanan ang kanilang mga tungkulin upang tugisin at panagutin ang mga nagpapatuloy sa pagtangkilik sa ilegal na droga.
###
Panulat ni PEMS Joe Peter V Cabugon, RPCADU 4A
Saludo tayo s mga pulis serbsiyong tapat