La Trinidad, Benguet (January 14, 2022) – Nasa kabuuang Php4,291,000 ang halaga ng halamang marijuana ang sinunog sa magkahiwalay na marijuana eradication sa Kibungan, Benguet at Tinglayan, Kalinga noong Enero 13 at 14, 2022.
Ang matagumpay na operasyon ng Kibungan Municipal Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera Administrative Region (PDEA-CAR) ay nagresulta ng pagkadiskubre ng apat na plantasyon ng marijuana sa Tacadang, Kibungan, Benguet na may kabuuang 6,655 piraso ng fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng Php1,331,000 at may kabuuang 10kg ng dried marijuana plants na nagkakahalaga din ng Php1,200,000.
Samantala, nadiskubre din ng pinagsamang operatiba sa pangunguna ng Kalinga Police Provincial Office, PDEA-Kalinga, Philippine National Police Special Action Force, at Regional Intelligence Division-Police Regional Office Cordillera ang dalawang marijuana plantation site sa Brgy. Bugnay, Tinglayan, na may kabuuang 4,800 piraso ng fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng Php1,760,000.
Agad binunot at sinunog ang mga pinagbabawal na halaman sa mismong site habang patuloy ang imbestigasyon kung sino ang lumabag at mananagot sa batas.
####
Panulat ni PSSg Amyl Cacliong
Source: PIO PROCOR
Mabuhay PNP