Nasabat ang tinatayang Php44,451,600 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang joint buy-bust operation ng mga awtoridad sa Purok 2, Barangay New Visayas, Panabo City, Davao del Norte nito lamang Pebrero 15, 2025.
Ang nasabing operasyon ay pinangunahan ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) 11 sa pakikipagtulungan ng mga operatiba ng Regional Intelligence Division (RID), Provincial Intelligence Unit (PIU), City Special Operation Group (CSOG), 2nd Davao del Norte Provincial Mobile Force Company (2nd DDNPMFC), Panabo City Police Station at sa koordinasyon sa PDEA.
Kinilala ni Police Major Maynard D Pascual, Hepe ng RPDEU 11, ang mga suspek na sina alyas “Joel”, 44 anyos, tinaguriang Top 1 Regional High Value Individual at si alyas “Shiella” 38 anyos, tinagurian namang Top 3 Regional High Value Individual, pawang mga residente ng Butuan City, Agusan del Norte.
![](https://i0.wp.com/psbalita.com/wp-content/uploads/2025/02/475591823_593305956858436_8942193932638488383_n.jpg?resize=696%2C313&ssl=1)
Narekober ang humigit kumulang 6.537 na kilo ng hinihinalang shabu at iba pang non-drug evidence.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilalang bilang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kakaharapin ng mga suspek.
Ang tagumpay ng operasyon na ito ay patunay ng walang-sawang dedikasyon at pagsisikap ng mga tauhan ng Police Regional Office 11. Patuloy namang hinihimok ng PNP ang partisipasyon ng bawat isa sa mga isinasagawang hakbang pang-seguridad upang matugunan ang mga isyung nagbabanta sa kaayusan at kaunlaran ng Davao Region.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino