Angeles City – Nasabat ang mahigit tatlong Php3 milyong halaga ng ilegal na droga matapos ang ikinasang Anti-Illegal Drug Operation ng mga operatiba ng Angeles City PNP sa Tangle Road, Purok 1, Brgy. Cutud, Angeles City nito lamang Huwebes, ika-17 ng Agosto 2023.
Kinilala ang isang drug personality na si alyas “Ate”, isang High Value Individual (HVI), 25, residente ng San Miguel, Quiapo, Manila.
Ang naturang operasyon na pinamunuan ni Police Colonel Amado Mendoza, City Director ng Angeles City Police Office.
Ayon sa ulat ng Angeles City PNP, bandang 11:55 ng gabi nang ikinasa ang naturang operasyon na nagresulta sa pagkakakumpiska ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php3,060,000 na may timbang na 450 gramo; isang pirasong Php1,000 bill; 49 pirasong Php1,000 boodle money; isang sling bag; at isang Toyota Vios kulay blue.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sinisiguro ng Angeles City PNP ang patuloy na pagpapaigting ng kampanya laban sa ilegal na droga at masawata ang mga lumalabag sa batas sa kanilang nasasakupan.
Source: Angeles City Drug Enforcement Unit
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera