Sa sunod-sunod na agresibo at tapat na mga operasyon ng kapulisan sa Central Visayas, ang Police Regional Office 7 ay nakarekober ng malaking bilang ng mga ilegal na droga at nakagawa ng mga kapansin-pansing pag-aresto sa loob ng isang linggo.
Sa account ng Regional Operations Division ng PRO 7, nakumpiska ang may kabuuang 5,308.31 gramo ng shabu na may Standard Drug Price na Php36,586,108 at naaresto ang 203 drug personalities.
Sa anti-illegal gambling operation, may kubuuang Php43,116 ang nakumpiskang taya mula sa 338 na naarestong mananaya.
Samantala, sa kampanya sa loose firearm, 15 indibidwal ang nadakip at narekober ang nasa 139 na hindi lisensyadong baril.
Bukod dito, 20 most wanted at 220 pang wanted person ang dinala sa kustodiya ng pulisya matapos ang matagumpay na pagsisilbi ng mga awtoridad ng kanilang mga nakabinbing warrant.
Pinuri ni Regional Director, Police Brigadier General Anthony Aberin, ang buong lakas ng PRO 7 para sa walang humpay at epektibong pagsasagawa ng mga operasyon at muling hinimok na ipagpatuloy ang maayos na serbisyo sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ng rehiyon.
“Ang inyong PRO7 ay hindi titigil at patuloy na maghahangad para sa pagbaba ng mga kriminal na aktibidad alinsunod sa ating CPNP’s 5-Focused Agenda at ng BIDA Program ng ating SILG Atty. Benjamin Abalos Jr.”