Malabon City – Umabot sa Php354,280 halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa dalawang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Malabon City Police Station, nito lamang Martes, ika-5 ng Setyembre 2023.
Kinilala ni PBGen Rizalito G Gapas, District Director ng Northern Police District, ang mga suspek na sina alyas “Putol”, 33 anyos: at alyas “Drex”, 27 anyos.
Ayon kay PBGen Gapas, nangyari ang nasabing operasyon ng Station Drug Enforcement Unit ng Malabon CPS sa Dulong Proper Borromeo Street, Brgy. Longos, Malabon City na naging dahilan ng pagkakadakip sa dalawang suspek.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php354,280, isang violet na pitaka kasama ang mga pera na may iba’t ibang denominasyon na ginamit sa pakikipagtransaksyon.
Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tiniyak ni PBGen Gapas na patuloy ang kanilang mandato sa pagsugpo sa talamak na bentahan ng ilegal na droga sa kanilang nasasakupan at pananagutin sa batas ang lahat ng mapapatunayang gumagamit nito para masiguro ang kaligtasan at kapayapaan sa kanilang komunidad.
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos