Cabanatuan, Nueva Ecija (January 17, 2022) – Nakumpiska ng mga otoridad ng Nueva Ecija ang higit Php300,000 halaga ng marijuana sa kanilang patuloy na operasyon kontra ilegal na droga noong ika-17 ng Enero taong kasalukuyan.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng isang buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Cabanatuan City Police Station sa District 1 Barangay San Juan Accfa, Cabanatuan City na nagresulta sa pagkaaresto ng isang (1) suspek na kinilalang si Justine Jay Cruz y Tipora, 21 taong gulang at residente ng Barangay Mabini Extension, Cabanatuan City.
Narekober na ebidensya mula sa suspek ay limang (5) pirasong plastic at tatlong ladrilyo ng pinaghihinalaang Marijuana na may timbang na 2.5 kilo at tinatayang nagkakahalaga ng Php306,600 at Php500 bill bilang marked money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, patuloy na isagawa ng mga kapulisan ang kampanya kontra ilegal na droga para mahuli ang mga suspek at magkaroon ng payapa at drug free community sa bansa.
Panulat ni Patrolwoman Hazel Rose Bacarisa
Saludo s mga alagad ng batas