Monday, May 5, 2025

Higit Php3.9M halaga ng smuggled cigarettes, nasamsam ng PNP sa Zamboanga del Sur

Nasamsam ng mga awtoridad ang tinatayang Php3,953,700 halaga ng smuggled cigarettes sa ikinasang joint operation ng pulisya sa Purok Narra, Barangay Militar, Tukuran, Zamboanga del Sur noong Mayo 2, 2025.

Ayon kay Police Brigadier General Roel C Rodolfo, Acting Regional Director ng Police Regional Office 9, naharang ng mga awtoridad ang tatlong sasakyan na may kahina-hinalang kargamento.

Una ay ang Nissan Sentra, kulay pula, may plakang WDH-7021 na minamaneho ni alyas “Bas”, 40 anyos, may asawa, negosyante, at residente ng Purok Muslim Village, Barangay Kawit, Pagadian City. Ang pasahero nito ay kinilalang si “Bong”, 31 anyos, may asawa, jobless, at residente rin ng Purok Muslim Village, Barangay Kawit, Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Ang ikalawang sasakyan ay isang Nissan Elantra, kulay pilak, may plakang JAA 5607 na minamaneho ni alyas “Kiki”, 36 anyos, may asawa, driver, at residente ng Purok Shirlyn, Barangay Dumagoc, Pagadian City, Zamboanga del Sur. Pasahero naman nito ay kinilalang si alyas “Amad”, 20 anyos, lalaki, single, jobless, at residente rin ng Purok Shirlyn, Barangay Dumagoc, Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Ang ikatlong sasakyan ay isang Toyota Hilux, kulay puti, may plakang NZQ 4590, na minamaneho ni Brandon, 27 anyos, may asawa, negosyante, at residente ng Barangay Talon-Talon, Zamboanga City. Pasahero naman nito ay kinilalang isang 17 anyos, lalaki, estudyante, at residente ng Paraiso Subdivision, Barangay Tumaga, Zamboanga City.

May kabuuang halaga na aabot sa Php3,953,700 mula sa 44 master cases at 1,250 rims ng iba’t ibang smuggled na sigarilyo.

Muling pinaalalahanan ng PNP ang publiko na huwag tangkilikin ang smuggled na sigarilyo at iba pang ipinagbabawal na produkto. Ang pagbili at pagbebenta ng mga ito ay may kaakibat na legal na parusa at nakakapinsala sa lokal na ekonomiya. Mahigpit na ipinatutupad ng PNP, katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno, ang batas laban sa smuggling upang maprotektahan ang mamamayan at tiyakin ang patas na kalakalan sa bansa.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,550SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles