Malabon City — Tinatayang higit Php2.15 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang High Value Individual sa ikinasang buy-bust operation ng Malabon City Police Station nito lamang Martes, Hulyo 4, 2023.
Kinilala ni PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr., District Director ng Northern Police District, ang suspek na si alyas “Nyuk”, Pusher/Newly Identified, 36, auto-mechanic at residente sa No. 259 Heroes Del 96, Brgy. 74, Caloocan City.
Ayon kay PBGen Peñones Jr, nangyari ang planong operasyon ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng istasyon dakong 9:25 ng gabi sa kahabaan ng Duhat St., Brgy. Potrero, Malabon City na naging dahilan ng pagkakaaresto ni alyas “Nyuk”.
Nasamsam sa suspek ang tatlong (3) pirasong knot-tied at tatlong small sized na transparent na pawang naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php2,158,456; isang tunay na Php1,000 na may kasamang siyam na pekeng Php1,000 na ginamit bilang buy-bust money at isang pitaka.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nasabing suspek.
Pinuri naman ni PMGen Edgar Alan O Okubo, Regional Director ng NCRPO Malabon City Police Station sa walang patid na dedikasyon upang labanan ang ilegal na droga at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang nasasakupan.
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos