Nasabat ang higit Php1 milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa target ng buy-bust operation ng Mandaue City PNP sa Sitio Mangga, Brgy. Casuntingan, Mandaue City, Cebu, noong Disyembre 23, 2023.
Kinilala ni Police Major Mikhail Mallorca, Police Station 4 Commander ng Mandaue City Police Office, ang suspek na si “Fil”, 55, na residente ng Brgy. Mabbolo, Cebu City.
Ayon kay PMaj Mallorca, naaresto ang suspek dakong 12:50 ng madaling araw matapos makipagtransaksyon at mapagbentahan ng droga ang mga operatiba na nagpanggap na poseur buyer.
Narekober mula sa suspek ang droga na may timbang na 150 gramo na may Standard Drug Price na Php1,020,000, sling bag na ginamit bilang lagayan ng droga, at buy-bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 na kilala rin bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sa naging pahayag ni Police Brigadier General Anthony A Aberin, Regional Director ng Police Regional Office 7, kanya muling binigyang diin ang higit na pagpapaigting at hindi patitinag na kampanya kontra ilegal na droga at sa lahat ng uri ng krimen sa rehiyon.
“Our relentless crackdown on high-value and big-time drug suspects are in line with the BIDA Program of SILG Atty. Benjamin Abalos Jr., and 5-Focused Agenda of the PNP which is designed to keep Central Visayas a safe place to live, work, and do business, ” saad pa ni Police Brigadier General Aberin.