Mandaue City – Nasabat ang higit Php1 milyong halaga ng shabu sa naarestong drug suspek sa isinagawang drug bust operation ng Mandaue City PNP sa Sitio San Jose, Brgy. Guizo, Mandaue City nito lamang Sabado, Nobyembre 4, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Maribel Getigan, Acting City Director ng Mandaue City Police Office (MCPO) ang naaresto na si “Dave”, residente ng Brgy. Guizo, Mandaue City.
Ayon kay Police Colonel Getigan, bunga ng ilang araw na surveillance sa ilegal na aktibidad ng suspek, nadakip ito bandang alas-11:00 ng gabi sa operasyon na pinangunahan ng mga tauhan ng Mandaue City Police Station 1 sa pamumuno ni Police Major Andy Michael Roque.
Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang droga na tumitimbang ng nasa 150 gramo na may Standard Drug Price na Php1,020,000 na agad na isinumite ang mga nakalap na ebidensya sa Forensic Unit para sa pagsusuri.
Ang suspek na nahaharap sa patung-patong na reklamo sa kasong paglabag sa RA 9165.
Ang walang humpay na partisipasyon ng komunidad sa kampanya ng PNP kontra ilegal na droga at sa lahat ng uri ng kriminalidad ay malaking puwang sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng pamayanan.