Nasakote ng pulisya ang higit Php1.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa tatlong suspek matapos makalaboso ng mga operatiba sa isinagawang buy-bust operation ng Cebu City PNP sa 429-P Fatima St, Barangay Duljo Fatima, Cebu City, noong ika-18 ng Pebrero 2025.
Kinilala ni Police Major Michael John M Arandia, Station Commander ng Police Station 11, Cebu City Police Office, ang tatlong suspek na sina alyas “Thom”, 51-anyos, “Mary”, 48-anyos, at “Vinz”, 31-anyos, na pawang mga residente ng 429-P Fatima St, Barangay Duljo Fatima, Cebu City.
Bandang 3:40 ng madaling araw ng ikinasa ng mga operatiba ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkaaresto ng mga suspek at pagkakumpiska ng 17 pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 252 gramo at may Standard Drug Price na Php1,713,600, buy-bust money, at sling bag.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang kapulisan ng Cebu City ay patuloy sa pagpapaigting ng kanilang kampanya kontra iligal na droga. Ito ay alinsunod sa pangunahing prayoridad ng pamahalaan na labanan ang mga sindikato ng droga sa pamamagitan ng pagpigil sa kanilang mga iligal na aktibidad at pagbuwag sa kanilang mga operasyon.
Source: CCPO SR