Friday, January 24, 2025

Higit P1M halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat ng PNP BARMM

Sa isang operasyon na ikinasa ng mga tauhan ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR) sa pamumuno ni PBGen Prexy D. Tanggawohn, nasabat ng kapulisan noong Linggo, Setyembre 15, 2024, ang mga ipinuslit na sigarilyo sa bansa na nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso.

Ang operayson na nagdulot ng pagkakakumpiska ng 51 kahon ng nasabing kontrabando sa Brgy. Bus-Bus, Jolo, Sulu ay ikinasa ng pinagsanib-pwersa ng Jolo Municipal Police Station, 1404th RMFC-B, RMFB 14B, PIU Sulu, CIDG-Sulu, at RIU PIT 9.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang pagkakahuli ng mga smuggled na sigarilyo na may street value na Php 1,887,000.00 ay bunga ng pag aksyon sa isang “tip” ukol sa dalawang Tamaraw FX na umano ay naglalaman ng mga puslit na Cannon cigarettes.

Pagdating ng kapulisan sa naturang lugar, agad nagtakbuhan ang ilang kalalakihan patungo sa masusukal na lugar upang tumakas; nagpapatuloy ang paghahanap ng kapulisan sa mga nakatakas na suspect.

Ang nasabing tagumpay ng kapulisan ay inaasahang pipilay sa ilegal na operasyon ng pagpupuslit ng mga kontrabando sa lugar at magsisilbing babala sa mga taong nais maglusot ng mga ilegal na paninda sa Sulu at iba pang karatig na probinsya.

Siniguro ni PBGen Tanggawohn na sa kanyang pamumuno, ang kapulisan, kabalikat ang iba pang ahensyang tagapagpatupad ng batas, ay mananatiling dedikado sa pagsugpo ng “smuggling” at lahat ng uri ng kriminalidad sa BARMM.

Nananawagan naman ang kapulisan sa bawat mamamayan na makipagtulungan at isuplong ang sinumang indibidwal na gumagawa ng mga ilegal na gawain sa lugar upang mapanatili ang kapayapaan at katahimikan sa rehiyon.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,340SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles