Wednesday, November 27, 2024

Higit 10K katao nakiisa sa Duterte Legacy Caravan kasabay ng Labor Day

EDSA — Higit 10,000 katao ang dumalo at naging benepisyaryo sa isinagawang Duterte Legacy Caravan sa People Power Monument, EDSA, Quezon City umaga nitong Linggo, May 1, 2022.

Nagsama-sama sa paghahatid ng serbisyong publiko ang iba’t ibang ahensya ng Gobyerno ngayong Labor Day tulad ng DND, DILG, NTF-ELCAC, PNP, TESDA, NICA, DSWD, PCSO, MMDA, PAG-IBIG, SSS, PCOO, DPWH, DENR, DND, DOH, at DFA upang ilapit sa mamamayan ang kanilang serbisyo.

Nagpaabot ang PNP ng free medical check-up at legal consultation sa naturang caravan at nakapag-bigay ng inspirasyon at impormasyon sa mga kabataang nais maging pulis.

Namigay din ng 2,000 relief packs, libreng pagkain at tubig sa mga dumalong kababayan natin na kinabibilangan ng mga miyembro at lider ng Advocacy Support Groups, Force Multipliers, NGOs KKDAT, Faith-Based Groups, Kaligkasan, FNKN o Foreign National Keepers Network, Global PCR, Hands Off our Children, mga dating Kadre, National Youth Commission at International Association of Youth and Students for Peace, mga motorista, manggagawa, at mga malapit sa lugar.

Nag-alok din ng iba’t ibang livelihood trainings, seminar, at iba pang serbisyong publiko ang iba pang mga ahensya.

Kaugnay nito, tiniyak ni Chief PNP Police General Dionardo Carlos na sa pamamagitan ng ganitong programa, maihahatid sa mga kababayan natin ang kaukulang serbisyong galing sa gobyerno lalo ng mga nasa malalayong lugar.

Kanya ring binigyang-diin na ang PNP ay patuloy na magseserbisyo araw man o gabi para sa malinis na eleksyon sa darating na Mayo. “PNP that is professional, that will work for a peaceful election,” patapos na mensahe ni General Carlos.

Samantala, ipinagmalaki naman ni National Defense Secretary Delfin Lorenza ang mga nagawa at natulungan ng gobyerno sa mga dating makakaliwang grupo na ngayo’y sumuko na at kaanib na ng pamahalaan.

“Tayo ay patuloy na maging mapagmatyag, nawa’y ang ating nasimulan at maipapanalo ay ipagpatuloy ng susunod na administrasyon. Ilagay natin ang kapakanan ng taong bayan sa unahan ng ating prayoridad. Dito natin makikita ang totoong pamana ng pagbabago, tungo sa ganap na kapayapaan,” ani pa ni Secretary Lorenzana.

###

Panulat ni PCpl Jhoanna Marie Najera Delos Santos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles