Cebu – Kumpiskado ang tinatayang nasa higit isang kilo ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation ng kapulisan ng Mandaue City PNP sa ML Quezon St., Brgy., Cabancalan, Mandaue City, Cebu, nito lamang Sabado, Oktubre 14, 2023.
Ayon kay Police Colonel Maribel Getigan, Acting City Director ng Mandaue City Police Office (MCPO) at sa koordinsayon sa PDEA, nailunsad ng mga operatiba ng Police Station 4 ang operasyon alas-2 ng madaling araw.
Hindi naman nakapalag pa ng arestuhin ang target ng operasyon na kinilalang si “Roy”, 52-anyos matapos makuhunan ng shabu na tumitimbang ng nasa 1,065 gramo na may Standard Drug Price na Php7,242,000 at kabilang pa sa narekober sa suspek ang nagamit na buy-bust money.
Nahaharap ang naarestong suspek sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002.
Bahagi ang matagumpay na operasyon sa tuloy-tuloy na pagpapaigting at pagpapahusay ng kapulisan ng lungsod sa kampanya kontra ilegal na droga maging sa mga uri ng krimen na dulot nito.