Biliran – Timbog ng mga operatiba ng PNP at PDEA ang isang indibidwal sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Calumpang, Naval, Biliran nitong Marso 11, 2023.
Kinilala ni Police Major Chamberline Ludevise, Hepe ng Naval Municipal Police Station, ang naaresto na si alyas “Henry”, 48, walang trabaho at residente ng Calubian, Leyte.
Ayon kay PMaj Ludevise, isinagawa ang operasyon bandang 8:50 ng umaga ng pinagsanib na pwersa ng Naval MPS-Drug Enforcement Unit, Biliran PPO-DEU kasama ang PDEA8-Biliran Provincial Office.
Nakumpiska mula sa suspek ang ilang pirasong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng MOL 5 gramo na may estimate street value na Php34,000.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa section 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at pansamantalang nakakulong sa Naval MPS Lock-Up Facility.
Ang PNP katuwang ang ibang ahensya ay patuloy na paiigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga at kriminalidad para sa mas maayos at maunlad na komunidad.