Negros Oriental – Arestado ng mga miyembro ng Negros Oriental PNP ang High Value Target matapos itong makorner sa inilunsad na buy-bust operation sa Purok Maisdaon, Looc, Sibulan, Negros Oriental noong Nobyembre 7, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Ronan Claraval, Acting Provincial Director ng Negros Oriental PPO, ang suspek na si “Mark”, 33, residente ng Buñao, Dumaguete City na nadakip pasado ala-1 ng madaling araw noong Martes.
Ang operasyon ay inilunsad ng mga operatiba ng PDEU na pinangunahan ni Police Captain Jonah Acal, katuwang ang mga tauhan ng Sibulan Municipal Police Station
Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang shabu na humigit kumulang 50 gramo na may Standard Drug Price na Php340,000, isang yunit ng Vivo Cellphone, at buy-bust money.
Nakakulong ngayon ang suspek sa himpilan ng Sibulan MPS na nahaharap sa mga paglabag sa RA 9165.
Patuloy ang buong hanay ng kapulisan ng probinsya sa pagpapaigting sa mga ipinapatupad na hakbang at alituntunin upang tiyakin ang kaayusan at seguridad ng komunidad.