Kalaboso ang isang High Value Target sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Barangay San Miguel, Sogod, Southern Leyte nitong ika-23 ng Pebrero 2024.
Kinilala ni Police Major Alfred Reynald M Dauz, Acting Chief of Police ng Sogod Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Agoy”, 36, at residente ng Abuyog, Leyte.
Bandang 8:22 ng gabi nang ikasa ang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Sogod MPS- Station Drug Enforcement Unit, Abuyog Municipal Police Station- Station Drug Enforcement Unit, Philippine Drug Enforcement Agency, RSET, PDEA, Southern Leyte Police Provincial Office.
Nakumpiska sa suspek ang anim na pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 55 gramo na nagkakahalaga ng Php374,000 at 100-peso bill na buy-bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang PNP ay kaisa sa programa at direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa pagpapatibay ng isang Whole-of-the-Nation Approach sa pagtugon sa ilegal na droga at kriminalidad, at pagtiyak ng kapayapaan at seguridad sa bansa.
Panulat ni Patrolwoman Christine Reyna Tolledo