Cebu City – Arestado ng kapulisan ang isang High Value Individual at ang dalawa pang kasama nito matapos makumpiskahan ng libu-libong halaga ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa J.M. Basa St., Brgy. Sawang Selero, Cebu City, noong Miyerkules, ika-2 ng Agosto 2023.
Sa report ng Cebu City Police Office, dakong alas-12:45 ng madaling araw ng mailunsad ng Station Drug Enforcement Unit ng Police Station 6 ang operasyon na humantong sa pagkakaaresto ng mga suspek.
Kinilala ni Police Major Francis Renz Talosig, Station Commander, ang mga suspek na sina ‘Onyot’, 31, subject ng operasyon at ang mga kasama nitong sina ‘Jebert’, 21 at ‘Lawrence’, 49.
Nakuha mula sa pag-iingat ng mga ito ang hinihinalang shabu na may timbang na 85.18 gramo at nagkakahalaga ng Php579,224.
Mahaharap sa mga kaukulang reklamo kaugnay sa ilegal na droga ang mga suspek.
Panawagan ng kapulisan sa publiko na patuloy na makiisa sa mga programa at hakbangin ng pamahalaan upang labanan at wakasan ang problema sa ilegal na droga.