Samar – Naaresto ng mga awtoridad ang isang High Value Target sa ikinasang operasyon ng Calbayog PNP at PDEA 8 sa Brgy. West Awang, Calbayog City, Samar nitong Huwebes, Disyembre 07, 2023.
Kinilala ang naaresto na si John Lloyd, 20 anyos at residente ng Brgy. West Awang, Calbayog City, Samar.
Bandang 11:48 ng gabi nang isagawa ang operasyon ng mga operatiba na pinangunahan ng PDEA 8 – Samar Provincial Office at Calbayog City Police Station sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Aquilino G Pongcol III.
Nakumpiska mula sa suspek ang pitong pirasong plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 60.46 gramo na may tinatayang market value na Php468,560.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang PNP katuwang ang PDEA ay patuloy sa kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang maayos at ligtas na komunidad.