Sultan Mastura, Maguindanao (January 27,2022) – Nakumpiska ng pinagsanib puwersa ng Sultan Mastura Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit Maguindanao Police Provincial Office, Highway Patrol Group at Philippine Drug Enforcement Agency ang Php1,000,000 halaga ng Shabu sa isinagawang buy-bust operation. Ang operation ay ginanap noong Enero 27, 2022 sa Narciso Ramos Hi-way, Brgy. Macabiso, Sultan Mastura, Maguindanao.
Nagresulta rin ito sa pagkakaaresto sa isang high value drug suspect na kinilalang si alyas ““Jetro”, 37 taong gulang, at residente ng Brgy. Bungabong, Sultan Mastura, Maguindanao.
Ayon sa report ng Sultan Mastura MPS, pumayag umano ang suspek na magbenta ng shabu sa isang undercover agent ng PDEA na umaktong poseur-buyer, dahilan ng pagkakaaresto nito.
Nakumpiska mula sa suspek ang tatlong (3) selyadong transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 150 gramo at may estimated standard drug price na 1 million pesos, isang (1) genuine Php1,000 bill na inilagay sa ibabaw ng 3 bundle ng photocopied paper bills, Php2,100 cash, isang (1) unit ng HONDA XRM 125 Motorcycle, isang (1) OPPO cellular phone at iba’t ibang identification cards.
Dinala sa PDEA BAR ang mga naarestong suspek, at ang mga nakumpiskang ilegal na droga at iba pang ebidensya para sa kustodiya at kaukulang disposisyon.
Pinapurihan ni PBGen Eden Ugale ang Regional Director ng Police Regional Office sa Bangsamoro Region, ang mga operatiba sa likod ng operasyong ito. Ito ay nagpapakita lamang ng pangako ng PRO BAR na alisin ang mga kriminalidad at mga ilegal na aktibidad sa rehiyon lalo na ang mga krimeng may kinalaman sa ilegal na droga.
###
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden C. Corpuz III, RPCADU BAR
Husay at Galing salamat sa mga kapulisan..
Congrats mga Sir!