Bohol – Arestado ng pinagsanib na puwersa ng Buenavista Municipal Police Station at 702nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 7 ang high value individual na suspek sa buy-bust operation na inilatag sa Sitio Roadside, Barangay Dait Norte, Buenavista, Bohol noong Hulyo 14, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Lorenzo A Batuan, Provincial Director ng Bohol PPO ang nadakip na si “Welliam”, 24, residente ng Purok 3, Barangay Lucob, Calape, Bohol.
Ayon kay PCol Batuan, dakong alas-8:37 ng gabi ng Biyernes ng ikasa ang operasyon matapos makumpirma ang impormasyon ukol sa ilegal na aktibidad ng suspek sa pangunguna ni Police Captain Edcel D Petecio, Officer-in-Charge ng Buenavista MPS.
Nasabat mula rito ang hinihinalang shabu na may timbang na 525 gramo at nagkakahalaga ng Php3,638,000, isang unit ng Samsung Cellphone, isang unit ng Maroon Suzuki Raider 150, at ang nagamit na buy-bust money.
Paglabag sa Sec. 5 at 11, Art. II ng RA 9165 ang kasong kakaharapin ng suspek.
Ang pagkakahuli sa suspek ay bunga at hahagi ang matagumpay na operasyon sa pinaigting at pinahusay na kampanya ng PNP laban sa ilegal na droga.