Occidental Mindoro – Timbog ang isang High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Brgy. 5, Mamburao, Occidental Mindoro noong ika-15 ng Mayo 2023.
Kinilala ni Police Colonel Jun Dexter Danao, Provincial Director ng Occidental Mindoro Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Okoy”, residente ng Mamburao, Occidental Mindoro.
Ayon kay PCol Danao, naaresto ang suspek sa operasyon ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kasama ang Mamburao Municipal Police Station.
Nahaharap sa kasong Violation of RA 9165 o kilala bilang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang nasabing suspek matapos mabilhan ng hinihinalang ilegal na droga kapalit ng Php1,000.
Narekober rin mula sa suspek ang pera na ginamit bilang buy-bust money at isa pang plastic sachet ng hinihinalang shabu.
Ang pagpapaigting sa pagpuksa ng ilegal na droga sa lalawigan ng Occidental Mindoro ay isa lamang sa direktiba ni PCol Danao para sa kaligtasan ng mamamayan na kanilang nasasakupan.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus