Caibiran, Biliran – Timbog ang isang High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation ng PNP-PDEA 8 sa Brgy. Cabibihan, Caibiran, Biliran nito lamang Biyernes, Oktubre 14, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Dionisio Apas, Jr, Acting Provincial Director ng Biliran Police Provincial Office, ang naaresto na si alyas “Ago”, 43, may asawa, magsasaka, at residente ng Brgy. Cabibihan, Caibiran, Biliran.
Ayon kay PCol Apas, bandang 6:30 ng umaga naaresto si alyas “Ago” ng mga operatiba ng Caibiran Municipal Police Station – Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni Police Lieutenant Vic R Viros, Officer-In-Charge kasama ang Biliran Police Provincial Office – Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni Police Lieutenant Teofilo H Gervacio III, Officer-In-Charge at sa koordinasyon ng PDEA PRO8 Operatives sa pangunguna ni IO2 Jerome Chiquillo.
Nakumpiska sa suspek ang isang pirasong heat-sealed transparent plastic sachet (subject for sale) at limang pirasong heat-sealed transparent plastic sachet (subject of possession) na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaniniwalaang shabu, boodle money at isang pirasong Caliber 45 pistol replica (toy gun).
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec 5 at 11, Article II ng RA 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Tunay na pinatunayan ng pagkakadakip sa suspek ang dedikasyon at pangako ng joint operating teams na ipagpatuloy ang paglaban sa ilegal na droga. Hindi titigil ang Biliran PNP sa kampanya laban sa ilegal na droga sa lalawigan,” pahayag ni PCol Apas”.
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez