Timbog ang isang High Value Individual (HVI) matapos makumpiskahan ng nasa Php686,800 halaga ng hinihinalang shabu sa Purok Banisil, Barangay Tambler, General Santos City, nito lamang ika-20 ng Marso 2025.
Ayon sa ulat ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) 12, dinakip ang kinilalang suspek na si alyas “Zaida” (HVI), 48-anyos na residente ng Barangay Poblacion, Tacurong City, sa ikinasang buy-bust operation ng RPDEU 12 (lead unit), PNP Drug Enforcement Group-Special Operations Unit 12, Regional Intelligence Division 12, City Police Drug Enforcement Unit, at General Santos City Police Office-Police Station 5.
Nahuli ang suspek matapos pagbentahan ang isang police poseur buyer ng isang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu kapalit ang buy-bust money.
Tinatayang aabot sa 100.96 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php686,800 at iba pang non-drug items ang nasabat mula sa suspek.
Nahaharap ang nahuling indibidwal sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Hinihikayat ng PNP ang mga mamamayan na patuloy na makipagtulungan upang masugpo ang iligal na droga sa bansa.
Panulat ni Pat khnerwinn Jay Medelin