Timbog ang isang High Value Individual sa ikinasang buy-bust operation ng Leyte PNP sa Barangay Pongon, MacArthur, Leyte nito lamang Nobyembre 11, 2024.
Kinilala ni Police Captain Carmelo I Gacho, Officer-In-Charge ng MacArthur Municipal Police Station ang suspek na si alyas “Kano”, 49 anyos at residente ng Barangay Pongon, MacArthur, Leyte.
Bandang 8:50 ng gabi nang ikasa ang operasyon ng mga tauhan ng MacArthur Municipal Police Station kasama ang Leyte Provincial Drug Enforcement Unit at Leyte Provincial Intelligence Unit sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency 8.
Narekober sa suspek ang anim (6) pakete ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 10.1296 gramo na nagkakahalaga ng Php94,520, isang genuine 500-peso bill na ginamit bilang buy-bust money at isang coin purse.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patuloy ang Leyte PNP na magsasagawa ng mga operasyon upang linisin ang komunidad laban sa ilegal na droga at iba pang uri ng krimen upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan sa ating bansa.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian