Timbog ang isang High Value Individual sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba sa Barangay 105, Suhi, Tacloban City nito lamang ika-08 ng Abril 2025.
Kinilala ni Police Major Shenna S Layog, Acting Station Commander ng Tacloban City Police Station 2, ang suspek na si alyas “Pao”, 34 anyos at residente ng Barangay 105 Suhi, Tacloban City.
Bandang 10:05 ng tanghali nang ikasa ang operasyon ng mga tauhan ng Tacloban City Police Station 2 – Station Drug Enforcement Unit kasama ang Tacloban City Drug Enforcement Unit sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency 8.
Narekober mula sa suspek ang anim (6) na pakete ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 10 gramo na nagkakahalaga ng Php68,000, isang genuine 500-peso bill kasama ang 13 pirasong 1,000-peso bill bogus money at mga drug paraphernalia.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patuloy na pinaiigting ng Pambansang Pulisya ang kanilang kampanya laban sa ilegal na droga at iba pang uri ng krimen upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mamamayan, tungo sa mas ligtas at drug-free na lipunan.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian