Friday, September 20, 2024

High Value Individual timbog sa buy-bust ng Caloocan PNP

Tala, Caloocan City – Timbog ang isang lalaki na tinuturing na isang “High Value Individual” sa buy-bust operation ng mga pulisya ng Caloocan City nitong umaga ng Miyerkules, March 2, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Samuel Mina Jr, Chief of Police, ang suspek na si Repors Sultan y Cardwe alyas “boss” sa kasong paglabag sa Sec 11 Art ll ng RA 9165.

Ayon kay Police Colonel Mina Jr, bandang 8:10 ng umaga, naaresto si Sultan sa Block 66, Lot 42, King Domingo Street, Barangay 188, Tala, Caloocan City, sa pinagsamang puwersa ng Drug Enforcement Unit ng Caloocan City Police Station, 6th Mobile Force Battalion-NCRPO at Philippine Drug Enforcement Agency, Regional Office-NCR.

Ayon pa kay Police Colonel Mina Jr, nakumpiska sa nasabing suspek ang isang medium HSTPS at isang plastik bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng higit kumulang 125 gramo na nagkakahalaga ng Php850,000.

Nakumpiska rin sa suspek ang isang tunay na isang libong piso kasama ang 39 piraso na pekeng pera na tig-iisang libo na ginamit bilang buy-bust money.

Sinigurado ni Police Colonel Mina Jr na patuloy na paiigtingin ng Pambansang Pulisya ang kampanya kontra ilegal na droga kasabay ng pagpapaigting sa gun ban ngayong panahon ng eleksyon.

###

1 COMMENT

Comments are closed.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,260SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles