Timbog ang isang High Value Individual sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng Sta. Ana Police Station sa Maya-maya Street, Barangay Lapu-lapu, Davao City nito lamang Marso 22, 2025.
Kinilala ni Police Major Richeen M. Lagnayo, Station Commander ng Sta. Ana Police Station, ang suspek na si alyas “Mal-Am”, 19 anyos, residente ng Nagsil Village, Barangay Centro Agdao, Davao City.

Nakuha mula sa suspek ang humigit kumulang 9.2 na gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php62,560 at iba pang non-drug evidence at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patuloy ang masigasig na pagsisikap ng Police Regional Office 11, katuwang ang mga pambansa at lokal na ahensya ng gobyerno, at ang komunidad ng Davao, upang labanan ang kriminalidad at tiyakin ang kapayapaan at kaayusan para sa isang mas maunlad na pamumuhay para sa lahat.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino