Davao del Sur – Arestado sa isinagawang buy-bust operation ng PNP at PDEA ang High Value Individual (HIV) Regional Level sa Purok 8, Hagonoy Crossing, Hagonoy, Davao del Sur, noong Hulyo 22, 2022.
Kinilala ni PLt Joselito Cortes, Officer-in-Charge ng Hagonoy Municipal Police Station, ang suspek na si Alyas Jun, 27, residente ng Datoc Compound, Zone 1, Digos City, Davao del Sur.
Ayon kay PLt Cortes, nahuli ang suspek sa pinagsamang puwersa ng Hagonoy MPS, Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit, at Regional Intelligence Unit katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency Davao del Sur.
Dagdag pa ni PLt Cortes, nakuha mula sa suspek ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 5.25 gramo na may street market value na Php78,750 kasama ang isang Toyota Vios, isang cellphone, isang pouch na pinaglagyan ng hinihinalang shabu at isang Php500 bill, isang lighter, isang wallet na may lamang driver’s license, at isang Php1000 bill.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, hindi naman titigil ang Police Regional Office 11 sa pangunguna ni PBGen Benjamin Silo Jr., Regional Director sa kampanya nito kontra ilegal na droga upang tuluyan ng maging drug-free ang rehiyon at hulihin ang lahat ng High Value Individual.
###
Panulat ni Patrolman Preal Cris Edosma