Arestado ang isang High Value Individual sa isinagawang anti-illegal drug operations ng mga tauhan ng Antipolo City katuwang ang PDEA sa Antipolo City, Rizal nito lamang ika-28 Mayo, 2025.
Kinilala ni Police Colonel Felipe B Maraggun, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Unyo”, 43 taong gulang, binata, at residente ng Barangay San Roque, Antipolo City.
Nahuli ang suspek matapos nitong bentahan ng isang (1) sachet ng hinihinalang shabu ang isang operatiba na nagpanggap bilang poseur buyer kapalit ng Php3,000 marked money.
Narekober naman mula sa suspek ang dalawang (2) piraso ng heat-sealed sachets ng hinihinalang shabu, tatlong (3) piraso ng knot-tied sachets ng hinihinalang shabu, isang (1) Android Vivo cellphone, isang (1) itim na pouch, Tatlong (3) piraso ng Php1,000.00 marked money.

Ang tinatayang kabuuang timbang ng nakumpiskang ilegal na droga ay humigit-kumulang 310 gramo na nagkakahalaga ng Php2,108,000.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patuloy naman ang mahigpit na kampanya ng PNP laban sa ilegal na droga at patuloy na pinapaalalahanan ang publiko na makiisa at mag-ulat sa mga kinauukulan kung may nalalamang mga kahina-hinalang aktibidad sa kanilang lugar para sa mapayapa at ligtas na komunidad.