Arestado ng Butuan City Police Station 2 katuwang ang PDEA Agusan del Norte ang isang High Value Individual sa ikinasang drug buy-bust operation sa Purok-5, Barangay Limaha, Butuan City bandang 12:41 ng madaling araw, nito lamang Mayo 31, 2024.
Kinilala ni Police Captain Moises G Macalolot Jr., Station Commander BCPS2, ang naarestong suspek na si Alyas “Choy”, 30, at residente ng P-7, Barangay Limaha, Butuan City na isa umanong High Value Individual, na nauna ng nahuli sa parehong paglabag sa Republic Act 9165 noong 2015.
Narekober mula sa suspek ang limang gramo ng shabu na may karaniwang presyong Php34,000.
Patuloy ang CARAGA PNP sa pagpapanatili ng isang mahigpit na laban kontra ilegal na droga upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan ng nasasakupan tungo sa mas Ligtas na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Karen A Mallillin