Arestado sa isinagawang anti-illegal drug operation ng mga operatiba ng Koronadal City Police Station ang isang High Value Individual (HVI) na kabilang sa illegal drug trade sa rehiyon sa Purok Matulungin, Barangay General Paulino Santos, Koronadal City bandang 11:42 nito lamang umaga noong Mayo 14, 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas “Canoy”, 28 anyos, walang trabaho, at residente ng Barangay Tamnag, Lutayan, Sultan Kudarat.

Sa operasyon na isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng KCPS–CPDEU (lead unit), SCPDEU, RID12 Tracker Team Charlie, at PDEA South Cotabato, nakumpiska mula sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu, isang tunay na Php1,000 bilang marked money, at tatlong Php500 boodle money.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang suspek.
Patuloy ang pinaigting na kampanya ng kapulisan kontra droga at nananawagan rin ang PNP sa publiko na makiisa at magsumbong ng anumang impormasyon na makatutulong sa pagpapanatili ng kaayusan sa komunidad.