Marawi City – Naaresto sa isinagawang joint operation ng PNP ang isang negosyanteng High Value Individual sa Brgy. Bangco, Marawi City, Lanao Del Sur nito lamang ika-18 ng Oktubre 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General John Gano Guyguyon, Regional Director ng PRO BAR, ang suspek na si Mahid Dipatuan.
Naaresto si Dipatuan sa bisa ng Warrant of Arrest dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.
Ayon kay PBGen Guyguyon, dati na ring nahuli si Dipatuan dahil sa paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ngunit ito ay nakapag piyansa.
Dagdag pa, nasamsam sa operasyon ang isang cal. 380 pistol STAR na may defaced serial number, isang Magazine assembly ng cal. 380 pistol na kargado ng apat na bala, isang double Barreled shotgun na walang serial number, apat na magazine ng M16 Rifle at apatnapu’t tatlong bala ng M16.
Ang nasabing operasyon ay mula sa pinagsanib na operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group Lanao del Sur Provincial Field Unit, Lanao del Sur Police Provincial Office, 1st Provincial Mobile Force Company LDS PPO, 1403rd MFC, Regional Mobile Force Battalion 14, Provincial Special Operations Group LDS PPO, Regional Intelligence Unit 15, 2nd CEC 500th Combat Engineering Battalion, 55th Engineering Brigade Philippine Army at Marawi City Police Station.
Samantala, pinuri ni PBGen Guyguyon, ang pagtutulungan at pagsisikap ng iba’t ibang yunit na nagresulta sa mga tagumpay na paglaban sa mga kriminalidad.
“Patuloy po at mas pinaiigting ng PRO BAR ang kampanya laban sa mga indibidwal na may pananagutan sa batas. Tulong-tulong po tayo na maisakatuparan ito”, ani PBGen Guyguyon.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz