Mamburao, Occidental Mindoro – Arestado ang isang indibidwal sa buy-bust operation ng PNP sa Mamburao, Occidental Mindoro noong Mayo 14, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Simeon Gane Jr, Provincial Director ng Occidental Mindoro Police Provincial Office ang suspek na si Jhon Jhocelle Montemayor Bautista, 26, alyas Jhon, High Value Individual, residente ng Brgy. 8, Mamburao, Occidental Mindoro.
Ayon kay PCol Gane Jr, naaresto ang suspek bandang 4:38 ng hapon sa Brgy. Payompon, Mamburao, Occidental Mindorong ng pinagsanib puwersa ng Regional Police Drug Enforcement Unit/Regional Special Concern Group (Lead Unit) at Mamburao Municipal Police Station.
Ayon pa kay PCol Gane Jr, narekober mula sa pag-aari ng suspek ang isang pirasong malaking heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng mga tuyong dahon ng hinihinalang marijuana na may humigit kumulang 50 gramo na timbang at tinatayang halaga na Php5,000, dalawang pirasong Php100 peso bill na ginamit bilang marked money, Huawei y6 2020 cellphone, lighter, itim na sling bag, tube pipe, Driver’s License Card, at Honda 125i.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Dagdag pa ni PCol Gane Jr, ang naarestong suspek kasama ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Mamburao MPS para sa kaukulang disposisyon.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa kampanya laban sa pagsugpo sa kriminalidad, droga at terorismo para sa kaligtasan at kapayapaan ng mamamayan at ng bansa.
Source: Occidental Mindoro PPO
###
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus