Arestado ang isang High Value Individual na kinilala sa alyas na “Intsik” sa ikinasang buy-bust operation na isinagawa ng pulisya sa Purok Masaya, Barangay Port Barton, San Vicente, Palawan nito lamang ika-20 ng Mayo 2025.
Ang operasyon ay pinangunahan ng San Vicente MPS, MDET kasama ang PDEU at PIU Palawan PPO.
Ayon sa ulat, ang suspek ay nabilhan ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu.
Mahaharap ang nahuling drug suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang pagkakahuli sa suspek ay tanda lamang na patuloy ang kapulisan sa pagsugpo ng ilegal na droga para sa katahimikan ng kanilang nasasakupang lipunan.
Source: Thunder News Philippines
Panulat ni Patrolwoman Ana Rose D Guadana