Samar – Naaresto ng mga operatiba ng Catbalogan PNP ang isang High Value Individual sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. 11, Catbalogan City, Samar nitong ika- 7 ng Enero 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Norman Ala, Officer-In-Charge ng Catbalogan CPS ang naaresto na si alyas “Adria”, 33, Barangay Tanod, at residente ng Catbalogan City, Samar.
Bandang 12:10 ng madaling araw nang isagawa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Catbalogan City Police Station-Station Drug Enforcement Team (Lead Unit) kasama ang PDEA-8 Samar Provincial Office.
Nakumpiska mula sa suspek ang apat na pirasong sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng mahigit kumulang sa 0.18 na gramo na tinatayang may market value na Php1,440 at iba pang drug paraphernalia.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Art II, Sec. 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang matagumpay na operasyon ay bahagi ng patuloy na kampanya ng PNP laban sa paglaganap ng ilegal na droga sa lugar, at nagpapakita lamang ito ng kanilang determinasyon na mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa komunidad.