Timbog ang isang High Value Individual sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Virginia, Culaba, Biliran nito lamang Lunes, Pebrero 26, 2024.
Kinilala ni Police Captain Edwin C Simbajon, Officer-In-Charge ng Biliran Provincial Drug Enforcement Unit, ang suspek na si alyas “Ronald”, 42 anyos at residente ng Barangay Bool Central, Culaba, Biliran.
Bandang 6:45 ng umaga ng ikasa ang operasyon ng pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng Biliran Provincial Drug Enforcement Unit at Culaba Municipal Police Station sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency 8.
Nakumpiska sa suspek ang 9 na pakete ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na humigit kumulang 3.387 gramo na nagkakahalaga ng Php23,031.6 at 500-peso bill na buy-bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa kampanya laban sa ilegal na droga at iba pang krimen upang mapanatili ang maayos at ligtas na komunidad tungo sa bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian