Arestado ng Special Drug Enforcement Team ng Estancia Municipal Police Station ang isang High Value Individual sa isinagawang Anti-Illegal Drug Operation sa Barangay Poblacion, Zone 1, Estancia, Iloilo nito lamang ika-11 ng Agosto 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas “Jr”, 40 anyos, walang asawa, nakatala bilang High Value Individual at residente ng nasabing barangay.
Nasakote ang suspek ng pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng Estancia MPS SDET, IPPO-PDEU at 601st MARPSTA.
Nakumpiska ang isang (1) libong piso bilang boodle money, isang daang piso bilang marked money, isang (1) pirasong transparent plastic sachet, limang (5) pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na pinaghihinalaang ilegal na droga at iba pang non-drug items.
Tinatayang 53.53 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may Standard Drug Price na Php364,004 ang nakumpiska mula sa suspek.
Layunin ng Iloilo PNP na labanan ang ilegal na droga sa rehiyon sa pamamagitan ng mas pinaigting na kampanya at pagbibigay ng edukasyon sa komunidad ukol rito upang maipaalam sa lahat ang mga panganib at masasamang epekto ng ilegal na droga.
Source: ILOILO PPO
Panulat ni Pat Ryza Valencia