Tuesday, November 26, 2024

High Value Individual, arestado ng Tacloban City PNP; Php325K halaga ng shabu, nasabat

Tacloban City – Nasabat ang tinatayang Php325,000 na halaga ng shabu sa isang High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation ng Tacloban City PNP sa Barangay 91 Abucay, Tacloban City nito lamang Miyerkules, Nobyembre 2, 2022.

Kinilala ni Police Captain Joselito Amistoso, Officer-In-Charge ng Tacloban City Police Station 2, ang naaresto na si alyas “Butchok”, 32 at residente ng Brgy. 95, Tacloban City.

Ayon kay PCpt Amistoso, ang suspek ay naaresto bandang alas-10 ng gabi sa pinagsamang pwersa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit PS2 sa pangunguna ni Police Lieutenant Rey Baldicano Jr, Tacloban City Mobile Force Company SWAT at sa pakikipagtulungan ng PDEA RO8.

Nakumpiska sa suspek ang 15 pirasong plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 50 gramo na may tinatayang market value na Php325,000.

Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 Section 5 at 11 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy na paiigtingin ng Tacloban City Police Station 2 ang kampanya kontra ilegal na droga bilang pagmamalasakit sa publiko upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng lugar.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles