Arestado ang isang High Value Individual ng mga operatiba ng Rosario MPS kasama ang PDEA 4A sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Marilag, Rosario, Batangas nito lamang Hunyo 14, 2024.
Kinilala ni Police Major Neil Christopher Gaspar, Officer-In-Charge ng Rosario MPS, ang naaresto na si alyas “Nardo”, 45 taong gulang, may asawa at residente ng Barangay Marilag, Rosario, Batangas at nakatala bilang High Value Individual.
Narekober mula sa suspek ang tatlong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na humigit kumulang 30.20 gramo at may Standard Drug Price na Php205,360, isang unit ng Infinix cellphone, isang piraso ng Php1000 bill na may serial number KY571806, na inilaan bilang buy-bust money at isang kulay brown na pouch.
Ang naarestong suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Hindi tumitigil ang Pambansang Pulisya katuwang ang ibang ahensya ng pamahalaan sa patuloy na pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga. Ito ay alinsunod sa pangunahing layunin ng administrasyon na labanan ang ilegal na droga para sa isang mapayapang Bagong Pilipinas.
Source: Batangas PPO-PIO
Panulat ni Pat Maria Sarah P Bernales