Thursday, May 8, 2025

High Value Individual, arestado; halos Php1M halaga ng shabu, nasabat

Arestado ang isang High Value Individual at nasabat sa pag-iingat nito ang halos Php1 milyong halaga ng shabu sa operasyon kontra iligal na droga ng Bacolod City Police Office (BCPO) sa pangunguna ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) bandang alas-12:33 ng madaling araw sa Arnaldo St., Purok Kahirup, Barangay Singcang-Airport, Bacolod City, nito lamang ika-8 ng Mayo 2025.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Antonio Benitez Jr., hepe ng CDEU, ang suspek na si alyas “Ati,” 27 anyos, may asawa, at residente ng Purok Sawmill 3, Barangay Bata, Bacolod City, na naitalaga bilang isang High Value Individual.

Ayon pa kay PLtCol Benitez, ang operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa iligal na droga.

Nahuli ang suspek sa aktong pagbebenta ng iligal na droga at nakuha mula rito ang pitong heat-sealed plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu, kasama ang buy-bust item, at tatlong heat-sealed plastic bag ng hinihinalang shabu na may kabuuang tinatayang timbang na 145 gramo at halagang Php986,000, at iba pang non-drug items.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Patuloy ang panawagan ng PNP sa publiko na makiisa sa kampanya kontra droga at agad i-report ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa kanilang mga komunidad.

Ang matagumpay na operasyon ay patunay ng determinasyon ng PNP, lalo na ng Bacolod City Police Office, na sugpuin ang pagkalat ng iligal na droga sa lungsod.

Layunin nitong protektahan ang kabataan at ang komunidad mula sa pinsalang dulot ng droga sa pamamagitan ng masinsinang imbestigasyon, operasyon, at pakikipag-ugnayan sa publiko.

Panulat ni Pat Andrea Dominique Depalubos

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,560SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles