Sunday, November 17, 2024

Lider ng kumunistang terorista sumuko sa lalawigan ng Cagayan

Tuguegarao City, Cagayan (January 13, 2022) – Patuloy ang maigting na kampanya ng mga kapulisan sa Lambak ng Cagayan laban sa terorismo upang boluntaryong sumuko ang mga miyembro ng teroristang grupo sa Rehiyon Dos.

Nagresulta ito sa matagumpay na boluntaryong pagsuko ng isa sa pinakamataas na opisyal ng Communist Terrorist Group (CTG) na kabilang sa West Front Komprob Cagayan noong ika-13 ng Enero, 2022.

Ayon kay Police Captain Louie Jay Felipe, Acting Company Commander, 203rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 2, kilala ang dating lider sa alias na “James/Jumong/Jaden”, Vice Commanding Officer 2 ng West Front Komprob Cagayan. Siya ay 26 anyos, binata, at residente ng San Mariano, Lal-lo, Cagayan.

Sa salaysay ng dating lider, siya ay unang sumama sa teroristang grupo noong Disyembre 2016 upang maghahatid lamang ng mga relief goods sa Barangay Lipatan, Sto Niño, Cagayan. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, ito pala ang anibersaryo ng kilusan.  Nagsimula ang kanilang pagiging bagong kasapi ng grupo noong Enero ng taong 2017.

Isiniwalat rin niya na sumailalim siya sa iba’t ibang pagsasanay at kasama rin siya sa mga karahasang ginagawa ng teroristang grupo sa lalawigan ng Cagayan at karatig lugar.

“Bumaba ako at tuluyan ng sumuko dahil gusto kong ipagpatuloy ang aking pag-aaral sa kolehiyo at magbagong buhay ng masaya at tahimik na kasama ang aking pamilya”, ani Ka James.

Matagumpay ang naging boluntaryong pagsuko ng dating opisyal dahil sa pagtutulungan ng mga tauhan ng RMFB 2 sa pangangasiwa ni Police Colonel Edward Guzman, Force Commander; Regional Group for Special Concern 2; S2 RMFB; 202nd Mobile Company, RMFB2; Regional Intelligence Division 2; 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company, Regional Intelligence Unit 2,  Lal-lo Police Station; 501st Infantry Brigade, 17th Infantry Battalion Philippine Army; 77 Infantry Battalion PA; at 51st Military Intelligence Company.

Samantala, patuloy ang panawagan ng mga kapulisan at kasundaluhan sa mga natitira pang miyembro ng teroristang grupo na boluntaryo nang sumuko kasama ng kanilang mga armas at maniwala sa mga programang inihanda ng pamahalaan para sa kanilang pagbabagong buhay na kapiling ang kanilang mga pamilya na may katahimikan at masayang buhay.

####

Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi

1 COMMENT

Comments are closed.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles