Taguig City – Nasamsam sa isang lalaki ang mga high powered rifles, mga bala at iba pa sa isinagawang Search Warrant ng mga tauhan ng Taguig City Police Station nito lamang Biyernes, Marso 10, 2023.
Kinilala ni National Capital Regional Police Office Chief Police Major General Edgar Alan Okubo, ang suspek sa pangalang Ronnie, 55 taong gulang.
Ayon kay PMGen Okubo, bandang 9:00 ng gabi nang maaresto si Ronnie sa kahabaan ng Mangustan Street, Barangay Katuparan sa Taguig City sa pinaigting na Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) ng Sub-Station 6 ng Taguig CPS.
Narekober mula sa suspek ang isang sub-machine gun made in US cal .45 M3, M16 A1 Rifle Elisco, isang Shooter Caliber .45 pistol, isang unit ng SAM Caliber .45 ACP pistol, limang 5.56 magazine (metal), dalawang 5.56 magazine (plastic), dalawang cal. .45 sub-machine gun magazine, apat na Cal. 45 magazine (standard), isang cal .45 magazine (high Cap), isang suppressor, limang daang round para sa cal. 5.56 mm, 44 na round para sa cal. 45, apat na round para sa cal. 38 at isang ammo box na kulay fatigue.
Nahaharap si Gonzales sa reklamong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).
Sa mensahe ni PMGen Okubo, ginarantihan niya na ang Team NCRPO ay patuloy na magsasagawa ng mga operasyon sa tulong ng impormasyon mula sa publiko. “Pasiglahin natin ang ating mga operasyon at koordinasyon para makumpiska ang iba pang mga ilegal na armas na maaaring magamit sa mga kriminal na aktibidad,” aniya.
“Hinihingi namin ang kooperasyon ng ating mga kababayan na makipagtulungan at ireport ang mga ito upang makumpiska at hindi malagay sa piligro ang mga inosenteng sibilyan,” dagdag pa niya.
Source: PIO NCRPO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos