Lucena City – Namigay ng personal health kit ang kapulisan ng Quezon Police Provincial Office kaugnay sa Women’s Month Celebration nito lamang Lunes, Marso 28, 2022.
Pinangunahan ni Police Colonel Joel Villanueva, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office, ang nasabing programa para sa lahat ng babaeng pulis at Non-Uniformed Personnel ng kanilang nasasakupan.
Bandang 7:30 ng umaga nang sinimulan ang pamimigay ng personal health kit para ipadama ang pagsaludo sa lahat ng kababaihan na kasapi ng Pambansang Pulisya na ginanap sa Covered Court ng Camp Guillermo Nakar, Lucena City.
Dagdag pa ni PCol Villanueva, ang kapulisan ng Quezon ay patuloy na binibigyang importansya ang kalusugan ng kanilang mga tauhan upang magampanan ang tungkulin sa gitna ng pandemyang ating kinakaharap.
Source: Quezon Police Provincial Office PIO
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Ronald V Condes
More power po Godbless