Saturday, November 23, 2024

Hay, salamat may Pulis: Batang naglalako ng balot, niregaluhan ng bisikleta

Walang pagsidlan ang tuwa at saya ni Ryan Moray, 11 taong gulang, residente ng Aurora, Isabela, matapos bigyang-katuparan ni PSSg Ranier Guerrero Gutierrez ng Aurora Police Station ang munting hiling na magkaroon ng bisikleta upang magamit sa paglalako ng balot.

Noong nakaraang linggo, habang nagpapatrolya sina PSSg Gutierrez at Pat Foronda ay nakita nila si Ryan na naglalako ng balot sa madilim na bahagi ng daan. Pinapauwi na siya dahil sa lumalalim na ang gabi subalit ayaw ng bata dahil hindi pa naubos ang kanyang paninda.

Dahil dito, isinakay ng mga pulis si Ryan sa patrol car at tinulungan sa pagbebenta ng balot.

Inikot sa palengke at inalok sa mga kakilala, na nakapukaw sa atensyon ni Angelo, isang concerned citizen na nag-post online sa nasaksihan at agad namang nag-viral.

Napag-alaman na ang bata ay naglalako ng balot upang matulungan ang kanyang mga magulang sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Labis naman ang pasasalamat ng mga magulang ni Ryan kay PSSg Gutierrez at sa buong kapulisan ng Aurora PS sa pamumuno ni PCpt Angelo Pagulayan, dahil sa pagtupad sa matagal nang pangarap ng kanyang anak.

###

Article by: PCpl Carla Mae P Canapi

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles