Maasin City – Nagsagawa ng Community Outreach Program na Hatud Hinabang Activity” o Hatid Tulong Activity ang Southern Leyte Police Provincial Office sa Brgy. Bilibol, Maasin City bandang alas 10:00 ng umaga nito lamang Martes, Mayo 24, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Hector Enage, Acting Provincial Director ng SLPPO kasama si Police Lieutenant Colonel Mark Nalda, Chief ng Police Community Affairs and Development Unit at si Police Lieutenant Colonel Mariano Epilogo, Acting Chief of Police ng Maasin City Police Station.
Ang mga benepisyaryo ng “Hatud Hinabang Activity” o Hatid Tulong Activity ay kabilang sa mga pamilyang mas nangangailangan sa nasabing barangay.
Nasa kabuuang 86 na indibidwal ang nakatanggap ng relief packs mula sa kapulisan ng Southern Leyte.
Ang Southern Leyte PNP ay handang magbigay ng tulong at magserbisyo na higit pa sa tungkulin para sa kapakanan ng kanilang mga nasasakupan.
###